Ang TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) ay may mga training na puwedeng kunin para sa mga gustong matuto ng tamang paraan ng pagsasaka. Kung gusto mong simulan ang career mo sa agrikultura o magtayo ng sariling sakahan, swak sa’yo ang mga kursong ito!
Paano Mag-Enroll sa TESDA Farming Courses?
- Pumili ng Gusto Mong Kurso
Alamin ang mga available na courses sa TESDA website o tanungin ang pinakamalapit na TESDA office.
- Ihanda ang Mga Requirements
- Dapat 18 years old pataas.
- Valid ID o barangay clearance.
- Ibang dokumento tulad ng birth certificate (kung kailangan).
- Mag Enroll
Mag-submit ng mga requirements at kumpletuhin ang proseso ng enrollment. Kung may scholarship, pwede ka ring mag-apply.
- Umatend ng Training
Dumalo sa klase at gawin ang mga hands-on na activities.
- Kumuha ng Assessment
Pag natapos mo ang training, magpa-assess para makuha ang iyong National Certificate (NC).
Bakit sa TESDA?
- Kompleto ang Tinuturo
Sakop nito ang lahat mula sa pagtatanim hanggang sa pamamahala ng sakahan.
- May Certificate na Pwede Gamitin Pangtrabaho
Kapag nakapasa ka sa training at assessment, may makukuha kang National Certificate (NC) na kinikilala sa Pilipinas at ibang bansa.
- Libre o Mura
Maraming TESDA courses ang libre o may scholarship, kaya abot-kaya ito kahit sino.
- Hands-On Training
Matututo ka sa aktwal na gawain, kaya siguradong may praktikal kang skills pagkatapos ng kurso.
Mga TESDA Farming Courses na Puwede Mong Pagpilian
Organic Agriculture Production NC II
- Matutunan mo ang organic na pagtatanim, pag-aalaga ng hayop, at paggawa ng organic fertilizer.
- Haba ng Kurso: 232 oras.
- Para ito sa mga gustong magtayo ng organic farm.
Agricultural Crops Production NC II
- Pagtuturo ng tamang pagtatanim, irigasyon, pest control, at pag-ani.
- Haba ng Kurso: 336 oras, depende sa level.
- Magagamit mo ito kung gusto mong magtanim ng iba’t ibang crops.
Animal Production (Poultry Chicken) NC II
- Matutunan mo ang tamang pag-aalaga ng mga manok.
- Haba ng Kurso: 226 oras.
- Para ito sa mga gustong magtayo ng negosyo sa livestock farming.
Ano ang Puwede Mong Gawin Pagkatapos ng Training?
- Magtrabaho: Puwede kang mag-apply sa agribusiness, proyekto ng gobyerno, o pribadong sakahan.
- Magnegosyo: Magtayo ng sarili mong farm o agrikultural na negosyo.
- Mag-aral pa: Magpatuloy sa mas advanced na TESDA courses o specialization.
Interesado ka ba na kumuha ng TESDA Certification? ang Doña Amparo Training Center Inc ay isang Technical Vocational Institute Certified ng TESDA. Maari kaming ma contact through our website and facebook page!
Enroll now at Doña Amparo at Daan-Ili
Allacapan, Cagayan!